Thursday, 5 March 2015

CHED Memorandom no. 20 series of 2013: My Reaction



Ang Aking Reaksyon Sa Usaping Pagtatanggal Ng Filipino Sa Tertiary Level

            Sa ating mundong ginagalawan, patuloy ang mga pagbabagong dulot ng teknolohiya at globalisasyon sa ating lipunan. Ang mga inobasyong ito’y naglalayun na makatulong sa pamumuhay nating mga mamamayan kung kaya’t pinaniniwalaan na isang instrumento ang paggamit ng Wikang Ingles. Dahil dito, nagbunga ngayon ito ng pagtataksil sa sarili nating wika na disin sana’y pinauunlad ng mga taong tunay na nagmamay – ari nito, ang mga Pilipino. Isa sa patunay nito ay ang panukala ng Commission on Higher Education ng Memorandum No. 20 Series of 2013(CMO no. 20 series of 2013) na naglalaman ng pagtatanggal ng Filipino sa kurikulum na ipinatupad sa kolehiyo.
            Malaki ang naging epekto ng usaping ito. Higit sa lahat, ang panukala ng CHED ay magdudulot ng pagkawala ng trabaho ng mga libo – libong guro sa Filipino. Pinagsikapan nila ang kanilang degree pagkatapos ito pa ang igaganti sa kanila? Grabi lang! Hindi man lang kinonsidera ang mga maaapakan sa panukalang ito. Buti lang sana kung isang tao lang pero ang katotohan ay marami sila, libo – libo. Malaki rin ang epekto sa mga kapwa ko Pilipino, mawawala ang ating identidad o pagkakakilanlan  dahil dito.
            Ang panukala ring ito ay isang pagtaliwas sa Saligang Batas hinggil sa ating wika na matatagpuan naman sa Artikulo XIV, Seksyon 6 hanggang 9. Kaakibat nito ang kahalagahan ng paggamit ng Filipino bilang epektibong salik ng pagkatuto. Nananatiling sentro ng kurikulum ng Filipino ang pagpapaigting ng intelektwalisasyon ng wikang ito upang higit pa itong maging epektibo at higit pang yumabong.
            Sa napipintong ASEAN Integration, napakahalagang mas paigtingin natin ang wikang Filipino. Ang pagbabahagian ng kultura ang layunin ng ASEAN Integration kaya nga dapat nating mas paigtingan ang ating sariling wika dahil nga bahagi ng ating kultura ang ating wika.Ang wika ang isang malaking kontribusyon ng bawat isa sa mundo.
            Hindi natin kailangan manggagad sa ibang bansa. Uunlad ang bansang Pilipinas gamit ang wikang Filipino. Isang halimbawa na nga dito ang bansang Japan, maunlad ang kanilang bansa na gamit lang nila ang sarili nilang wika. Hindi sila tulad ng ating bansa na kailangang manggagad ng ibang wika, ang wika ng kanluranin. Mas maswerte nga tayo sa kanila kung ang pag – uusapan natin ang wika dahil nga tayo sa Pilipinas ay Polyglot tayo ibig sabihin kaya nating magsalita sa higit pang isang wika at marunong rin tayong magsalita ng wikang Ingles.Malaki rin ang kontribusyon ng populasyon natin para umunlad ang sariling bansa dahil tinagurian tayong human capital.

1 comment:

  1. Casinos in California - MPR Hub
    Best Casinos 목포 출장마사지 in California · 강릉 출장안마 10. 남원 출장안마 Barstool Sportsbook · 9. 구리 출장샵 Caesars Sportsbook · 8. PointsBet Casino · 7. BetMGM Casino · 광주광역 출장샵 6. Points

    ReplyDelete